Description
“Wika, Pagbasa at Pagsulat (Kinder 2)” ay worktext na inihanda upang madaling matuto ang mag-aaral sa mga kasanayang panghahandaan sa Pakikinig, Pagsasalita, Pagbasa at Pagsulat. Ang nilalaman ng mga aklat ay batay sa K to 12 Basic Education Curriculum. Naging lunsaran ang Marungko Approach sa mga aralin sa pagbasa at inilahad ang mga ito sa tulong ng mga tugma, awit at sitwasyong makabuluhan. May mga pagsubok sa mga aralin upang makatiyak sa ganap na pagkatuto ng mga mag-aaral. Inilakip din ang mga Gawaing-bahay upang mabigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na masubaybayan ang kanyang pag-aaral sa bahay.