Description
“Wika, Pagbasa at Pagsulat (Kinder 1)” ay worktext na inihanda upang madaling matuto ang mag-aaral sa mga kasanayang panghahandaan sa Pakikinig, Pagsasalita, Pagbasa at Pagsulat. Malaki ang maitutulong ng mga aralin upang matiyak na ang mag-aaral ay magagamit ang mga talasalitaang natutunan sa pagpapahayag ng kanyang mga iniisip at dinaramdam, madaling makapagbabasa at maisusulat nang wasto ang bawat titik sa Alpabetong Filipino. Naging lunsaran ang Marungko Approach sa mga aralin sa pagbasa. Inilahad ang mga ito sa tulong ng mga tugma, awit at sitwasyong makabuluhan. May mga pagsubok sa mga aralin upang makatiyak sa ganap na pagkatuto ng mga mag-aaral. Inilakip din ang mga Gawaing-bahay upang mabigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na masubaybayan ang kanyang pag-aaral sa bahay.